^

Bansa

'Self-censorship' sa newsroom, nangyayari sa ilalim ni Digong —int'l group

James Relativo - Philstar.com
'Self-censorship' sa newsroom, nangyayari sa ilalim ni Digong —int'l group
Ibinahagi ng kanilang ulat na "Underneath the Autocrats" na nangyayari ito sa takot ng mga journo na mabalikan ng administrasyon at kanilang mga tagasuporta. 
AP Photo/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines — Pinalalabnaw o 'di inilalathala, 'yan raw ang boluntaryong ginagawa ng mga Filipino media outlet sa mga balitang kritikal sa Pangulong Duterte ayon sa grupong International Federation of Journalists (IFJ).

Ibinahagi ng kanilang ulat na "Underneath the Autocrats" na nangyayari ito sa takot ng mga journo na mabalikan ng administrasyon at kanilang mga tagasuporta. 

Nakarating sa grupo ang ulat matapos magsumbong ang ilang peryodista sa mga unyon at mga katrabaho. 

'Banta sa loob at labas'

Sa kanilang pagtataya, malaki ang kinalaman ng mga inilalabas na political statements sa peryodiko sa kaligtasan ng mga journo. Mahirap din daw tukuyin nang direkta kung saan galing ang mga banta.

Sa survey na isinagawa ng IFJ at South East Asia Journalist Unions, lumalabas na 13.2 porsyento ng mga respondent ang nagsabing censorship ang pinakamalaking banta sa kanilang trabaho.

Binigyan din ng "poor" na marka ang media safety rating ng Pilipinas habang "worsening to seriously declining" naman ang sitwasyon ng kalayaan sa pamamahayag.

Ginawaran ng 7.7 ang bansa sa kanilang media impunity scale ng grupo kung saan "1" ang pinakapositibo at "10" ang pinakamalala.

'Deadliest peace time country for journalists'

Hindi bababa sa 85 kaso ng pag-atake sa media ang naitala ng National Union of Journalists of the Philippines, Philippines Center for Investigative Journalism, at Center for Media Freedom and Responsibility simula June 30, 2016 hanggang May 1, 2018, kabilang ang murder, attempted murder, death threats, online harassment, police surveilance, atbp. 

Ilan pa sa kanilang itinala ay ang "coordinated attacks" ng mga "pro-government troll army."

Matatandaang sinabi ng Pangulo na hindi ligtas sa assassination ang mga mamamahayag kung sila'y maituturing na "son of a bitch" sa isang press conference noong May 31, 2016.

Umabot na sa 12 ang napatay simula nang maupo si Duterte.

DUTERTE

INTERNATIONAL FEDERATION OF JOURNALISTS

PRESS FREEDOM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with