Xmas ceasefire sa npa ‘tinabla’ ni Duterte
MANILA, Philippines — Hindi tinapatan ni Pangulong Duterte ang unilateral ceasefire na idineklara ng communist rebels.
Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea, hindi nagdeklara ng ceasefire si Pangulong Duterte ngayong Kapaskuhan sa New People’s Army (NPA).
Naunang inihayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi niya irerekomenda sa Pangulo na magdeklara ng ceasefire sa NPA dahil ginagamit lamang ito ng communist movement upang magpalakas ng puwersa.
Sinabi din ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wala pang abiso ang Office of the President kung magdedeklara ng ceasefire sa NPA ngayong Kapaskuhan.
“There was no word from him (Duterte). The recommendation of the Defense Seretary still stands not to declare truce,” dagdag ni Panelo.
- Latest