Pederalismo, ipaliwanag ng mabuti sa tao – PFP
MANILA, Philippines — Kailangan ang matinding pagpapaliwanag sa mamamayan tungkol sa isinusulong na pagbabago ng sistema ng pamahalaan mula demokrasya patungong federal system of government.
Sinabi ni Tom Lantion, dating LTFRB chairman at ngayo’y secretary general ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP), sa ginawa niyang pag-iikot sa iba’t ibang rehiyon sa bansa, maayos ang pagtanggap ng mga tao sa pederalismo pero dapat pang maipaliwanag ito ng husto sa mamamayan para malaman ng mga tao ang advantage nito para sa kanilang kapakanan.
Dinagdag ni Lantion na sa pagkakapasa ng Charter Change sa Kongreso, umaasa siyang aaprubahan din ito ng Senado sa lalong madaling panahon.
Inanunsiyo din nito na nailapit na nila kay Pangulong Duterte na maging chairman ito ng PFP kayat malaki ang paniniwala nila na ito na ang simula ng pagbabago.
Anya, may sarili silang mga panukala at suhestiyon sa Pangulo na maaaring makatulong sa pagpapaunlad sa bansa.
Ang PFP anya ay naka-concentrate sa pagsusulong sa pagkakaroon ng maraming disenteng trabaho para sa mamamayan, katulong sa programa laban sa illegal drugs at anti-poverty campaign.
- Latest