^

Bansa

Digong kontra sa bully - Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong kontra sa bully - Palasyo
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit nga mismo si Pangulong Duterte ay kontra sa pambu-bully.
www.facebook.com/pg/SecretarySalvadorPanelo

MANILA, Philippines — Pabor ang Malakanyang sa naging pahayag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal  Tagle na ang mga nasa kapangyarihan ay hindi dapat nambu-bully.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit nga mismo si Pangulong Duterte ay kontra sa pambu-bully.

Sinabi ni Panelo, kung generic ang naging mensahe ng Cardinal, ito rin aniya ang paninindigan ng Chief Executive at nagkakaisa sila sa magkatulad na pananaw kontra bullying.

Pero kung ang Pa­ngulo aniya ang pinatutungkulan sa naging sermon ni Tagle sa unang araw ng simbang gabi nitong nakaraang linggo, sinabi ni Panelo na hindi ugali ng Presidente na mam-bully.

Kung nakapagsasalita man ang Pangulo ng hindi maganda sa pandinig ng iba, hindi aniya ito pambu-bully kundi pagpapahayag lamang ng sentimyento sa isang sitwasyon at pagpapakita na hindi niya nagugustuhan ang isang bagay.

Magugunita na na­ging homily ni Tagle kamakailan na hindi daw dapat gamitin ang kapangyarihan upang mam-bully at mambastos.

LUIS ANTONIO CARDINAL TAGLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with