‘Toxic’, Oxford Word of 2018
MANILA, Philippines — Ang salitang toxic ang ipinroklama ng Oxford Dictionaries bilang salita ng taon.
Ayon sa Oxford, maraming pinaggamitan ang salitang “toxic” ngayon taon bilang diskripsiyon ng mga pinag-uusapan na topics.
Sa isinagawang pananaliksik ng researcher, ang salitang “toxic” ang paulit-ulit na ginagamit bilang “descriptor” kaya napili itong “Word of the Year”.
Ang salita ay 45 porsiyento sa dami ng bilang na tiningnan ito sa Oxford Dictionary website, ngayong 2018.
Inihalimbawa ang paggamit nito sa isang poisonous relationship, kapaligiran, malimit sa mapanganib na workplace at masculinity.
Ang Toxic ay pinakahulugan bilang “poisonous “ o nakakalason at unang nakita sa English noong mid-seventeenth century at nagmula sa medieval Latin toxicus, na ang ibig sabihin ay “poisoned” o “imbued with poison.”
- Latest