1K Pinoy workers kailangan sa Israel
MANILA, Philippines — Isang kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Pilipinas at bansang Israel kaugnay sa kanilang pangangailangan ng 1,000 Pinoy workers sa mga hotel sa naturang bansa.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na ang kasunduan na pinirmahan nina Labor Secretary Silvestre Bello III at Israeli Tourism Minister Yariv Levin ay magbibigay daan sa mga Pinoy workers na magtrabaho bilang cleaners sa mga hotel doon.
Ayon kay Ambassador to Israel Neal Imperial, ang 1,000 trabaho ay binuo sa pamamagitan ng isang kasunduan sa loob ng tatlong buwan matapos ang pagbisita ni Pangulong Duterte noong Setyembre.
Batay sa pagtaya ng embahada ng Pilipinas, nasa 28,000 mga Pinoy ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Israel.
- Latest