^

Bansa

‘Tularan natin si Maria’ – Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
‘Tularan natin si Maria’ – Duterte
Ipinagdiwang kahapon ang kapistahan ng “Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary” na nauna ng idineklarang special non-working holiday ng Pangulo noong nakaraang taon.

MANILA, Philippines — Sa kabila ng palaging pagbatikos sa mga obispo  at mga pari ng Simbahang Kaloliko, nagpalabas kahapon ng isang pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na humihikayat sa lahat na tularan ang mga katangian ni Maria.

Ipinagdiwang kahapon ang kapistahan ng “Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary” na nauna ng idineklarang special non-working holiday ng Pangulo noong nakaraang taon.

Sa pahayag, sinabi ng Pangulo na dapat tularan ang pagigiging mapagpakumbaba at mapagmalasakit ni Maria at maging halimbawa ang katatagan ng kanyang pananampalataya.

Ayon pa sa Pangulo, nakikiiisa rin siya sa pagdiriwang ng Kapistahan ng “Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary.”

 Taun-taon aniya ay nagkakaisa ang puso at diwa ng mga mananampalataya upang gunitain ang buhay ni Virgin Mary na dapat hangaan ang pagiging simple, kabaitan at kababaang loob.

IMMACULATE CONCEPTION OF THE BLESSED VIRGIN MARY

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with