^

Bansa

Dapat walang secret deals sa China

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Dapat walang secret deals sa China
Kinondena ni Sen. Bam ang malabong polisiya ng pamahalaan pagdating sa relasyon nito at mga kasunduan sa China, lalo na pagdating sa ating teritoryo sa West Philippine Sea at sa mga kontratang pinasok nito sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping.
Mark R. Cristino Pool Photo via AP

MANILA, Philippines — Nanindigan si Sen. Bam Aquino na hindi dapat pumasok sa anumang secret deal ang pamahalaan sa China at dapat nitong tiyakin na una ang kapakanan ng mga Pilipino sa mga kasunduan nito sa Chinese government.

Kinondena ni Sen. Bam ang malabong polisiya ng pamahalaan pagdating sa relasyon nito at mga kasunduan sa China, lalo na pagdating sa ating teritoryo sa West Philippine Sea at sa mga kontratang pinasok nito sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping.

Idinagdag pa ng senador na hindi naman gumanda ang ekonomiya ng bansa mula nang pu­maling ang pamahalaan sa China.

Hinamon naman ni Bam ang Senado na pa­ngunahan ang pag-iimbes­tiga sa mga kasunduan ng pamahalaan sa China at kung makikinabang nga ba ang bansa rito.

Noong September 19, 2016, inihain ni Sen. Bam ang Resolution No. 158 na layong silipin ang direksiyon ng foreign policy ng bansa at alamin ang posisyon ng pamahalaan sa ilang isyu, tulad ng West Philippine Sea, Benham Rise at iba pang kasunduan sa China.

PHILIPPINES AND CHINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with