^

Bansa

‘May Pag-asa’ ni ex-Col. Mancao magiging boses sa Kongreso

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos ang matagal na pagkakakulong, pagtatago at mapawalang sala sa kasong kanyang kinakaharap, muling lumitaw si dating Police Supt. Cesar Mancao upang isulong ang ‘May Pag-asa’ partylist na naglalayong maiangat ang pamumuhay ng mga Pilipino.

Sa kanyang pagdalo sa Balitaan sa Maynila, sinabi ni Mancao na ito ang tamang panahon  upang tulungan si Pangulong Duterte na maiahon ang mahihirap sa kanilang pamumuhay.

Nais ni Mancao na 1st nominee ng ‘May Pag asa’ partylist na hindi dapat na mawalan ng pag-asa at patuloy lumaban sa hamon ng buhay ang mga Pilipino habang katuwang ang pamahalaan

Aniya, maraming pro­yekto ang pamahalaan na dapat na tangkilikin ng mga publiko para na rin sa kanilang pag-unlad.

Tulad na rin ng nangyari sa kanya, inakala niyang hindi na siya makakawala sa bangungot ng kanyang pagkakakulong subalit kumapit lamang siya sa Diyos at tiwala sa batas.

Dagdag ni Mancao, ang lahat ay may pag-asang mag­bago, pag-asang umunlad at pag-asang ma­buhay ng maayos.

Sakali aniyang ma­kapuwesto ang ‘May Pag asa’ sa ilalim ng Hukbong Pagbabago makakaasa ang publiko na kapakanan ng mga  salat at mahihirap ang kanyang prayoridad.

CESAR MANCAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with