^

Bansa

Karapatan ni Imelda na magpiyansa, igalang – Pimentel

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dapat irespeto ang karapatan ni dating unang ginang at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Ayon kay Sen. Koko Pimentel, nakasaad naman sa Konstitusyon ang karapatan ng lahat na makapaglagak ng piyansa kung nahaharap sa kaso maliban na lamang sa mabibigat na krimen o kaso na may katumbas na parusang habambuhay na pagkabilanggo.

Naniniwala si Pimentel na walang special treatment ang Sandiganbayan Fifth Division ng magdesisyon itong payagan si Marcos na maglagak ng P300,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

 Kung hindi naman aniya kasama ang kaso ni Marcos sa mga krimen na hindi maaring maglagak ng piyansa ay saka puwedeng sabihin na nabigyan ito ng special treatment.

Pero katanggap-tanggap din kay Pimentel ang hatol kay Marcos dahil dapat aniyang maging patas ang batas kahit sa 89 taong gulang na mambabatas.

 “Kung naging unfair sa atin ang Marcoses, maging fair tayo sa kanila para makita naman nila na ang laban natin ngayon ay patas, unlike sa panahon nila na hindi patas ang laban,”sabi ni Pimentel sa isang panayam.

Matatandaan na kahit pa nahatulan ng guilty si Marcos sa pitong counts na kaso ng katiwalian tungkol sa paglilipat niya ng $200 milyong halaga sa ilang Swiss foundations, hindi naman nagpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya ang korte at pinayagan pa siyang magpiyansa.

PIMENTEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with