Ika-8 bigtime rollback ipinatikim
MANILA, Philippines — Muling nagpatupad kahapon ng ika-8 big-time rollback sa presyo ng krudo ang ilang kumpanya ng langis, kasunod ng patuloy na pagbaba ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.
Kahapon ay naunang nagbaba ng presyo alas-12 ng tanghali ang Phoenix Petroleum ng P2 rollback sa kada litro ng gasolina at diesel.
Samantala ang Unioil Philippines ay may bawas-presyo na P2.20 hanggang P2.40 kada litro sa diesel at P1.90-P2 sa gasolina sa darating na linggo.
Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis ng kanilang price reduction.
Ayon sa Department of Energy nitong Biyernes, malaki ang epekto ng oversupply sa presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan.
Magugunita na nitong nakaraang linggo, nagpatupad na rin ng rollback ang mga oil firms ng nasa P2.30 sa diesel, P1.10 sa gasoline at P2.10 naman sa kerosene.
Simula Oktubre 15, ang presyo ng diesel ay bumaba ng kabuuang P6.20 habang ang gasoline naman ay bumaba na ng P9.15.
- Latest