^

Bansa

75K pasahero ng PNR nasa alanganin dahil sa ‘mismanagement’

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
75K pasahero ng PNR nasa  alanganin dahil sa ‘mismanagement’
Dahil dito kaya hiniling ni Bagong Kapisanan ng mga Manggagawa sa PNR (BKMP) president Edgar Bilayon kay Pangulong Duterte na sibakin ang General Manager ng PNR na si Junn Magno bunga umano ng katiwalian at palpak na pamamahala sa PNR.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasa bingit ngayon ng alanganin ang mahigit 75,000 pasahero ng Philippine National Railways (PNR) bunga diumano ng mismanagement ng mga opisyales nito.

Dahil dito kaya hiniling ni Bagong Kapisanan ng mga Manggagawa sa PNR (BKMP) president Edgar Bilayon kay Pangulong Duterte na sibakin ang General Manager ng PNR na si Junn Magno bunga umano ng katiwalian at palpak na pamamahala sa PNR.

Giit din ng grupo ang agarang pagpapasibak kay PNR chief corporate counsel Atty. Celeste Lauta makaraang hindi umano nito aksyunan ang kawalan ng diesel fuel ng mga bagon na siyang direktang dahilan ng pagkakadiskaril ng operasyon ng PNR.

Simula anya noong Setyembre, halos usad pagong ang mga bagon makaraang upuan ni GM Magno at Atty. Lauta ang panawagan ng mga empleyado na siguraduhin ang suplay ng diesel fuel, gayundin ng pagsasagawa ng maintenance sa mga bagon.

Aniya, sawa na ang mga empleyado ng PNR sa palpak na pamamahala ng kanilang general manager na walang alam sa management at pagpapairal ng patas na patakaran lalo na sa mga empleyado.

Kinopo aniya ni Magno ang bilyong bilyong pisong badyet ng PNR at ipinagkatiwala ang paggamit nito kay Atty. Lauta sa kabila ng kawalan nito ng technical expertise lalo na sa railway management.

EDGAR BILAYON

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with