^

Bansa

Crackdown laban sa mga illegal Chinese workers isinusulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Crackdown laban sa mga illegal  Chinese workers  isinusulong
Inimbestigahan kahapon ng Senate committee on labor, employment and human resources development na pinamumunuan ni Senator Joel Villanueva ang resolusyon tungkol sa pagdagsa ng mga ilegal na dayuhang manggagawa sa bans
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nais ng ilang senador na magkaroon ng pang­huhuli sa mga illegal Chinese workers na nagtatrabaho sa bansa kahit walang Alien Employment Permit.

Inimbestigahan kahapon ng Senate committee on labor, employment and human resources development na pinamumunuan ni Senator Joel Villanueva ang resolusyon tungkol sa pagdagsa ng mga ilegal na dayuhang manggagawa sa bansa,

Ayon kay Senator Grace Poe, dapat magkaroon ng crackdown dahil maituturing din na security issue ang pagtatrabaho dito ng mga foreign nationals na walang kaukulang permits.

“Kailangang magkaroong ng crackdown. Sinabi na ng committee na ito na si Senator Joel (Villanueva) ay proactively o ang iba sa amin makikitulong na puntahan itong mga sites na ito at hingan sila ng work permits. Kasi national security issue rin yan eh kung hindi natin alam sino ang mga nandito, paano natin babantayan ang ating kapaligiran?” sabi ni Poe.

Ayon naman kay Villnueva, hindi na kailangan pang lumayo dahil mismong sa kalapit lamang ng Senado ay makikita na ang napaka­raming Chinese nationals partikular sa Mall of Asia.

Nilinaw ng senador na walang problema sa mga banyaga na nagtatrabaho ng legal sa bansa pero dapat umanong gumawa ng hakbang ang gobyerno laban sa walang AEP.

Lumabas sa pagdinig na nasa 115,000 lamang ang ipinalabas na AEPs sa nakaraang tatlong taon, pero sa tantiya ni Villanueva, sa Metro Manila pa lamang ay mahigit nang 200,000 ang mga nagtatrabahong Chinese nationals.

Lumabas din sa pagdinig na pumapasok sa bansa ang mga Chinese nationals bilang mga turista pero hindi na umaalis ang mga ito dahil nakakakuha na ng trabaho.

“Nagulat ho tayo kasi mismong mga ahensiya ng pamahalaan inamin po nila na pumapasok sila dito bilang turista pagkatapos magtatrabaho na sila,” sabi ni Villanueva.

Inihayag ni Department of Labor and Employment Undersecretary Ciriaco Lagunzad na umabot lamang sa 150,652 Chinese nationals ang nag-apply sa kanila ng Alien Employment Permit (AEP) noong taon 2016 at 2017.

Pero lumabas sa pagdinig na 50,000 lamang ang naaprobahan ng BI noong taon 2017 at 2018 para magkaroon ng working permit.

Ang naturang working visa ay may expiration na isa hanggang dalawang taon.

ALIEN EMPLOYMENT PERMIT

ILLEGAL CHINESE WORKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with