^

Bansa

Pauunlarin ko pa ang TESDA-Lapeña

Pilipino Star Ngayon
Pauunlarin ko pa  ang TESDA-Lapeña
Binitiwang pangako ito ni Lapeña sa idinaos nitong executive meeting sa mga opisyal at empleyado ng TESDA Region Xll sa kanyang kauna-unahang regional tour bilang pinuno ng ahensya.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Higit pang pauunlarin ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Secretary Isidro S. Lapeña ang kasalukuyang ipinatutupad at ipinaiiral na mga programa sa technical vocational education training (TVET).

Binitiwang pangako ito ni Lapeña sa idinaos nitong executive meeting sa mga opisyal at empleyado ng TESDA Region Xll sa kanyang kauna-unahang regional tour bilang pinuno ng ahensya.

Aniya, ang kanyang “takeoff point” bilang Director General ng TESDA ay paunlarin ang kung ano meron ngayon ang TESDA.

Upang higit na mapag-aralan ang tungkol sa nasabing mga programa at kalagayan sa ground, plano niyang bisitahin ang lahat ng mga regional offices hanggang matapos ang taon, gayundin ang mga provincial offices ng TESDA.

Sa ilalim ng kanyang panunungkulan, sinabi ni Lapeña na magiging prayoridad niya na matulungan sa pamamagitan ng mga scholarship programs ang mga mahihirap, indigenous peoples (IPs), people with disabilities (PWD), rebel returnees, at mga biktima ng armed-conflicts.

Mahalaga anyang ma­bigyan ng skills ang mga kabilang sa pinakamahirap na lipunan upang matulu­ngan silang makahanap ng trabaho o makapagpatayo ng kanilang maliit na negosyo para umangat ang kanilang pamumuhay.

Suportado rin ni Lapeña ang planong pagpapatayo ng mga bagong gusali ng TESDA Regional Office at Manpower Training Center sa Region Xll.

ISIDRO S. LAPEñA

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with