Tax amnesty bill pasado
MANILA, Philippines — Mas mapapabilis na ang pagbabayad ng buwis ng mga tax payers. Ito ay sa sandaling tuluyang maisabatas ang panukalang Tax Amnesty bill sa Kamara na inaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa.
Sa botong 213-Yes at 7-No ay aprubado na ang panukalang magpapadali sa proseso para sa pagbabayad ng buwis ng mga taxpayers. Sakop ng tax amnesty ang mga hindi nabayarang buwis na ipinataw ng gobyerno sa taong 2017 at mga naunang taon.
Ang taxpayer na gustong makapag-avail ng amnesty ay kailangan lamang magbayad ng 8% ng kanilang networth. Tinatayang aabot sa P114 Billion ang kikitain sa buwis ng gobyerno sa tax amnesty.
Mareresolba rin ang backlog sa tax delinquency cases at mapapaluwag ang dockets ng Bureau of Internal Revenue, Regional Trial Courts, Court of Appeals at maging ng Korte Suprema.
Ayon sa principal sponsor na si 1 Pacman Partylist Rep. Mikee Romero, “ito ay dapat na maging prayoridad. Malaki ang magiging tulong nito sa ating bansa.”
“Bukod sa masisingil ay makatutulong sa ekonomiya, matututo ang ating mga kababayan na maging maagap at magbayad sa oras ng tamang buwis. Ang koleksyon ay magagamit para sa interes ng ating kababayan,” dagdag ni Rep. Romero.
- Latest