^

Bansa

Excise tax sa alak itataas

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Excise tax sa alak itataas
Ito’y matapos na aprubahan ng House Ways and Means Committee ang substitute bill na nagtataas sa excise tax rates ng mga alcoholic drinks sa bansa.
File Photo

MANILA, Philippines — Posibleng tumaas na ang presyo ng mga alak sa mga unang araw ng Enero 2019.

Ito’y matapos na aprubahan ng House Ways and Means Committee ang substitute bill na nagtataas sa excise tax rates ng mga alcoholic drinks sa bansa.

Layon ng substitute bill na itaas sa P6.60 ang excise tax sa mga alcoholic drinks kumpara sa kung ano ang ipinapatupad sa ilalim ng Republic Act 10351 o ang batas para sa excise tax sa mga nakakalasing na inumin at tobacco.

Bukod dito inaprubahan na rin ng komite ang P650 unitary rate para sa mga sparkling wines.

Itinaas naman sa P2.10 ang buwis sa mga still at carbonated wines, habang ang mga alcohol content na mas mataas sa 14%  ay may P4.10 pagtaas.

Ang inaprubahang tax rate para sa fermented liquors ay itinaas sa P2.60.

EXCISE TAX

HOUSE WAYS AND MEANS COMMITTEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with