P3.757-T nat’l budget ipapasa
MANILA, Philippines — Inaasahang ipapasa na ng Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa sa susunod na linggo ang panukalang P3.757 trillion national budget.
Ayon kay Compostela Valley Rep. Maria Carmen Zamora, nasa final stages na lamang sila sa pag-reconcile ng pagkakaiba at pag-amyenda sa budget at matapos nito ay ipapa-print na nila na ito kaya target nilang maipasa ang House Bill 8169 sa third reading sa Nobyembre 28.
Nauna nang siniguro ni Speaker Gloria Arroyo at Majority leader Rolando Andaya noong nakaraang linggo na walang re-enacted budget para sa susunod na taon.
Matatandaan na hindi agad naaprubahan ang national budget matapos na madiskubre na mayroon umanong P52 billion insertions ang nakaraang liderato ng Kamara kaya nagdesisyon si Arroyo na i-realign ang mga mahahalagang proyekto para sa equitable at fair distribution ng pondo.
- Latest