^

Bansa

Ore shipments sa China pinasisiyasat

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ore shipments sa China pinasisiyasat
Sa liham ng DENR sa BOC, ang nasabing mga nickel ore umano ay nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso at nagsimulang i-export mula pa noong 2006 at pinaghihinalaang misdeclared para makatakas sa duties at taxes.

MANILA, Philippines — Hiniling ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Bureau of Customs (BOC) na imbestigahan ang mga umano’y undervaluation at misdeclaration ng mga nickel ore shipments papuntang China.

Sa liham ng DENR sa BOC, ang nasabing mga nickel ore umano ay nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso at nagsimulang i-export mula pa noong 2006 at pinaghihinalaang misdeclared para makatakas sa duties at taxes.

Ito umano ay pinoproseso ng bilyonaryong mining magnate na si Eric Gutierrez na siya rin nagpatakbo kay dating pangulong Aquino at naging ingat yaman din ng Liberal Party.

Simula 2004, nakakuha ang SRMI ng higit sa P28 bilyong halaga ng benta sa mineral, na walang mga rekord ng gobyerno ng pagbabayad ng buwis sa alinman sa LGU ng Agusan del Norte o ng pambansang pamahalaan.

Ayon sa DENR, nakitaan ang SRMI ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) na lumampas sa 50,000-tonelada na pinapayagan ang taunang volume para sa isang maliit na minero kaya kailangang tingnan ng BIR ang mga pananagutan ng SRMI at mga kaanib nito dahil sa hindi pagbabayad o pagpapadala sa BIR ng buwis dahil sa 5% ng kabuuang kita na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso.

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

NICKEL ORE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with