Balimbing na pulitiko ipagbabawal
MANILA, Philippines — Umaasa si House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman at Cibac Rep. Sherwin Tugna na maipapasa ang panukalang batas na magbabawal sa mga pulitiko na magpalipat-lipat ng partido bago matapos ang 17th Congress sa Hunyo ng susunod na taon.
Sinabi ni Tugna na sa pagbubukas ng sesyon ng kongreso sa Nobyembre 12 ay inaasahang maipapasa na sa ikalawa at ikatlong pagbasa ng House Bill 697 kung saan isa sa pangunahing may akda nito ay si Speaker Gloria Arroyo at inaasahang ito ang magpapabago sa kasalukuyang umiiral na palipat-lipat ng partido ng mga politiko.
Tiwala rin ang kongresista na kaagad itong maipapasa lalo na at suportado ito ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil naniniwala ito na makakabuti ito sa bansa.
Layon umano ng panukala na maiwasan ang political butterflies o pagbalimbing.
- Latest