Taas pasahe bitin pa
Dahil sa fare matrix
MANILA, Philippines — Hindi pa makakapaningil ng dagdag pasahe ang mga jeep at bus sa Metro Manila, Region 3 at 4.
Ito, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay dahil hindi pa nakakapagpalabas ang ahensiya ng updated fare matrix na guide ng mga mananakay at ng driver sa bagong taas pasahe.
Bukas pa maaaring makapagpalabas ng fare matrix ang LTFRB dahil kahit pumatak ng November 2 ang implementasyon ng taas pasahe ay hindi naman nakakapag-isyu pa ang LTFRB ng fare matrix dahil wala silang pasok noon.
Oras na maningil agad ang mga driver ng bus at jeep ng dagdag pasahe ng walang updated fare matrix ay maaaring makansela ang kanilang prangkisa.
Noong Oktubre 18, naaprubahan ng LTFRB ang P10 minimum fare rate sa mga passenger jeep sa Metro Manila, Central Luzon at Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon) region, at minimum fare na P11 sa mga bus sa Metro Manila.
Magbabayad naman ang operator ng jeep ng P570 sa LTFRB para sa kopya ng updated fare matrix at P50 sa mga bus dahil ang dagdag pasahe nilang P1 ay provisional lamang.
- Latest