Duterte inutos ang dismissal ng 3 PNPA cadets
MANILA, Philippines — Iniutos ni Pangulong Duterte ang dismissal ng tatlong kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) na umano’y nag-utos na gumawa ng kahalayan sa dalawang plebo.
Sa isang joint situation briefing sa lungsod ng Cauayan, Isabela kamakalawa, sinabi ni Pangulong Duterte na kanyang kinokondena ang insidente.
“You do not train a soldier or a policeman who goes out of the academy with a trauma,” wika ng commander-in-chief.
“Whatever decision pagkadating ‘yan sa akin, it is actually dismissal. I don’t need that kind of shit. Ayoko ‘yung sundalo ko pati pulis ko na dehumanized,” sabi pa ng Pangulo.
Ikinuwento rin ng Pangulo ang sarili nitong karanasan sa pagsailalim sa hazing kung saan kalaunan ay isinugod daw ito sa ospital.
Matatandaang pinuwersa umano ng tatlong upperclassmen cadets ang dalawang underclassmen na magsagawa ng oral sex sa isa’t isa bilang parusa sa kanila raw mga ginawang paglabag.
Nahaharap ngayon sa criminal at administrative charges ang nasabing mga senior PNPA cadets.
- Latest