^

Bansa

Taas pasahe sa dyip lalarga sa Nob. 1

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Taas pasahe sa dyip lalarga sa Nob. 1
Ito ang inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos isnabin ang request ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) na mapigilan ang fare hike.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Tuloy na ang pagpapatupad ng P10 minimum na taas pasahe sa mga pampasaherong dyip simu­la bukas, Nobyembre 1.

Ito ang inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos isnabin ang request ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) na mapigilan ang fare hike.

Argumento ng UFCC na sapat naman ang kita sa pamamasada ng mga driver na mas mataas sa arawang minimum wage.

Pero ayon sa LTFRB, tuloy ang taas pasahe dahil sa ginawang mga pagdinig ng board tungkol sa fare hike petition habang dininig naman nila ang lahat ng hinaing at pahayag ng mga stakeholders kayat napagpasyahan ng board ang taas singil sa pasahe.

Sa kanilang fare hike petition, sinabi ng jeepney group na Pasang Masda, Fejodap, Acto at ALTODAP, napapanahon ang pagtaas sa singil sa pasa­he dahil sa matinding epek­to ng oil price hike, taas presyo ng bilihin at mga bayarin sa serbis­yo tulad ng ilaw at tubig gayundin ang presyo ng spare parts at maintenance ng mga sasakyan. 

Noon pang October 18 naaprubahan ng LTFRB ang fare hike at inantala lamang dahil sa naturang petisyon ng UFCC.

JEEPNEY FARE HIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with