MPS sa Boracay ayaw ni Albayalde
MANILA, Philippines — Hindi pinaboran ni Philippine National Police Chief P/Director General Oscar Albayalde ang panukala na ilipat ang Municipal Police Station (MPS) ng bayan ng Malay, Aklan sa Boracay Island.
Sinabi ni Albayalde na may sapat ng mga pulis na nagbabantay para tiyakin ang seguridad ng mga establisyemento, mga turista at residente sa mala-paraisong isla na isa sa pamosong destinasyon sa Pilipinas.
Nitong Biyernes ay nagbukas muli sa mga turista ang Boracay Island matapos na isailalim ito sa anim na buwang rehabilitasyon.
Nabatid na aabot sa mahigit 400 pulis ang kasalukuyang nakadeploy sa Boracay bukod pa sa mga sundalo at Philippine Coast Guard o kabuuang bilang na nasa 600 o higit pang security forces.
Una rito, uminit ang panukala na ilipat ang Malay MPS sa Boracay Island dahilan ito ang sentro ng negosyo sa nasabing bayan bunga ng mayabong na turismo sa pagtungo rito ng mga turistang lokal at dayuhan.
Related video:
- Latest