^

Bansa

Universal Health Care bill lusot na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Universal Health Care bill lusot na
Ayon kay Ejercito na sponsor ng nasabing bill, tinata­yang nasa P6,345 ang pangangailangang pagkalusugan ng bawat Filipino batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2016 na mas mataas ng 8.7 percent noong 2015.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ipinasa na kahapon sa 3rd at final reading ng Senado ang Universal Health Care Bill matapos sertipikahang “urgent” ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Sen. JV Ejercito, chairman ng committee on health and demography, ang Senate bill 1896 ay nag-aatas sa Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at local government units (LGUs) upang magpatupad ng Universal health care sa taumbayan partikular ang mahihirap na Filipino.

Ayon kay Ejercito na sponsor ng nasabing bill, tinata­yang nasa P6,345 ang pangangailangang pagkalusugan ng bawat Filipino batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2016 na mas mataas ng 8.7 percent noong 2015.

Aniya, ang bawat Filipino ay nagpapatingin lamang sa doctor kapag mayroon na silang sakit na kadalasan ay malala na dahil sa kawalan ng suporta sa gobyerno para sa health care.

Sa ilalim ng inaprubahang panukala ay awtomatikong naka-enroll sa National Health Insurance Program ang mga may kapasidad na magbayad ng premiums habang ang gobyerno naman ang sasagot sa mga indigents, senior citizens at iba pang sektor ng komunidad.

Pinalawak ng panukalang batas ang magiging PhilHealth coverage na kabilang na ang free consultation fees, laboratory tests at ibang diagnostic services.

RODRIGO DUTERTE

UNIVERSAL HEALTH CARE BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with