^

Bansa

300% hike sa pensiyon ng beterano aprubado

Pilipino Star Ngayon
300% hike sa pensiyon  ng beterano aprubado
Mula sa kasalukuyang P5,000, gagawing P20,000 ang buwanang pensiyon ng mga beteranong lumaban sa giyera.
Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Aprub na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na naglalayong itaas nang 300 percent ang pensiyon ng mga war veterans.

Mula sa kasalukuyang P5,000, gagawing P20,000 ang buwanang pensiyon ng mga beteranong lumaban sa giyera.

Lahat ng 20 senador na dumalo sa sesyon kahapon ay sumang-ayon na ipasa ang panukala na mapapakinabangan ng nasa 6,000 eligible senior veterans na lumaban noong World War II, Korean War at Vietnam War.

Kasama sa makakatanggap ng P15,000 increase ang mga nabubuhay pang senior veterans na hindi tumantanggap na pensiyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Pero hindi maaring itaas ang pensiyon  kung dependents na lamang ang tumatanggap nito. Sakaling mamatay ang beterano, P5,000 buwanang pensiyon pa rin ang matatanggap ng surviving spouse.

WAR VETERANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with