^

Bansa

Bertiz na ospital

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bertiz na ospital
Ayon kay Bertiz, noong Martes ay nagpa-confine na siya dahil sa pananakit ng dibdib resulta ng sobrang stress at hindi makatulog bunga ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Dahil sa sunud-sunod na kontrobersiyang kinasasangkutan, naospital si ACTS OFW partylist Rep. Aniceto John Bertiz.

Ayon kay Bertiz, noong Martes ay nagpa-confine na siya dahil sa pananakit ng dibdib resulta ng sobrang stress at hindi makatulog bunga ng mga kontrobersiyang kinasasangkutan.

Paliwanag ni Bertiz, siya ay sumailalim na rin sa angioplasty noong nakaraang taon dahil sa bara sa tatlong ugat sa puso.

Ayaw sanang isapubliko ito ng kongresista, subalit dahil si House minority leader Danilo Suarez ang unang nagsalita dito ay napilitan na ang kongresista na kumpirmahin ang impormasyon.

Id­inagdag pa ni Bertiz na hindi siya makakadalo sa hearing ng Ethics committee ngayong hapon kaugnay ng insidente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil hindi siya pinayagan ng doktor na lumabas ng ospital.

Samantala, nilinaw naman ni Suarez na bagamat miyembro ng minorya si Bertiz ay hindi nila kukunsintihin ang kanyang ginawa.

Subalit paiimbestigahan din umano nila sa Kamara ang paglabas ng CCTV footage ng insidente dahil malinaw na security breach ito sa NAIA.

Related video:

ANICETO JOHN BERTIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with