Resulta sa ‘Red October’ probe isusumite na ng NBI
MANILA, Philippines — Nakatakdang isumite ngayon ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang initial findings sa imbestigasyon nito sa “Red October” plot laban kay President Rodrigo Duterte.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, inimbestigahan na ng NBI ang report matapos na makatanggap ng impormasyon ang Malacañang tungkol dito
Matatandaang sinabi ng ilang military officials na nagsanib-puwersa umano ang mga grupo ng communist rebels at kritiko ni Duterte upang mapatalsik siya sa puwesto sa susunod na buwan.
Samantala, pinaalalahanan kahapon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Carlito Galvez Jr., sa 195,000 malakas na puwersa ng mga sundalo na dumistansya sa pulitika kaugnay ng umano’y recruitment sa Red October.
Ginawa ni Galvez ang pahayag sa flag raising ceremony sa Camp Aguinaldo matapos na maalarma ang AFP sa pagkakabulgar sa Red October o ang umano’y matinding sabwatan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army, Magdalo Group, Movement Against Tyranny at ang Tindig Pilipinas ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino upang patalsikin sa puwesto ang administrasyon.
- Latest