^

Bansa

Ouster plot kay Digong may basehan - GMA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ouster plot kay Digong may basehan - GMA
Ginawa ni Arroyo ang pahayag sa kabila ng pagtanggi ng iba’t ibang grupo ng oposisyon sa oust Duterte plot na tinatawag na “Red October”.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Maging si House Spea­ker Gloria Arroyo ay naniniwala na totoong may bantang pagpapatalsik sa kapangyarihan kay Pangulong Duterte.

Ginawa ni Arroyo ang pahayag sa kabila ng pagtanggi ng iba’t ibang grupo ng oposisyon sa oust Duterte plot na tinatawag na “Red October”.

Ayon kay GMA na base ito sa kanyang karanasan bilang dating pangulo ng bansa.

Giit niya, ang isang presidente umano ay mayroong access sa mga impormasyon na hindi bukas sa sinuman.

Kapag sinabi umano ni Duterte na may banta sa kanyang puwesto ay tiyak na may basehan ito na good information kaya dapat na paniwalaan ang Presidente sa sinasabi niyang ouster plot.

Samantala, dedma naman si GMA sa pagpapaaresto ng korte kay Sen. Antonio Trillanes IV na nakasuhan dahil sa pag-aalsa noon sa kanyang administrasyon.

Kahit anong pilit na ta­nong ng media, ang sagot lamang ni GMA ay ‘no reaction’.

vuukle comment

GLORIA ARROYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with