^

Bansa

Security of Tenure Bill sertipikadong ‘urgent’ ni Duterte

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Security of Tenure Bill sertipikadong âurgentâ ni Duterte
Ipinadala ng tanggapan ng Pangulo kina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang sertipikasyon nito na madaliin ang pagsasabatas ng nasabing anti-contractualization bill sa pamamagitan ng Senate bill 1826 ni Sen. Joel Villanueva, author ng panukala.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Sinertipikahan na ni Pangulong Duterte bilang “urgent” ang “Security of Tenure Bill” na magsisiguro sa pagwawakas sa end of contract (endo).

Ipinadala ng tanggapan ng Pangulo kina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang sertipikasyon nito na madaliin ang pagsasabatas ng nasabing anti-contractualization bill sa pamamagitan ng Senate bill 1826 ni Sen. Joel Villanueva, author ng panukala.

Ayon naman kay House Appropriations Committee chairman Rep. Karlo Nograles, makikinabang sa naturang panukala ang mahigit 40 milyong mga obrero at mga estudyanteng magtatapos sa kolehiyo at nakatakdang maghanap ng trabaho.

Giit pa ni Nograles na ang pagpasa sa nasabing panukalang batas ay magpapatibay sa seguridad sa paninilbihan o security of tenure ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagbabawal sa “pamamayagpag ng kontraktuwalisasyon at labor-only contracting”.

“Nakadambana sa ating Saligang Batas ang pangangalaga sa ating mga manggagawa. Ayon sa Article XIII, Section 3 ng Konstitusyon, dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang hanapbuhay at pantay na pagkakataon sa trabaho para sa lahat,” ayon sa abogadong mambabatas na nagtapos sa Ateneo School of Law.

Paliwanag pa ng kongresista na bagamat nakapailalim na ito sa Labor Code at ipinapatupad sa ila­lim ng probisyong ito, may mga malalabong bahagi ang Labor Code na pinagsasamantalahan ng mga employer; ito ang lilinawin at tutuldukang problema ng Security of Tenure Bill,”.

Base sa datos tinata­yang nasa 30% ng lahat ng manggagawang Pilipino ay hindi regular ang trabaho, at kalahati sa bilang na ito ay contractual.

Ang mga bagong magtatapos sa kolehiyo, ayon kay Nograles, ay dapat mailabas sa ganitong kala­gayan sa pamamasukan.

“Ang ating mga kaba­taan ay nag-aral ng 16, 17 taon upang makakuha ng degree sa kolehiyo sa pag-asang madaling makakita ng pagkakakitaan o trabaho. Matapos ang kanilang pagsisikap, di makatarungan at masakit naman kung ang trabahong naghihintay para sa kanila ay puro 5-5-5,” daing ng mambabatas mula Davao.

Ang “5-5-5” ay popular na kataga sa gawain ng mga employer ng pag-empleyo sa mga manggagawa sa ilalim ng isang limang buwang kontrata, kulang ng isang buwan para maging anim na buwan na pipilit sa mga employer na gawing regular ang panunungkulan ng mga manggagawa. (Gemma Garcia)

END OF CONTRACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with