Rep. Calalang pumanaw
MANILA, Philippines — Sumakabilang buhay na si Kabayan partylist Rep. Atty. Ciriaco “Acoy” Calalang matapos na ma-stroke kahapon.
Ayon kay Bern Fermintica, executive assistant secretary ni Calalang, na-confine muna sa Delos Santos Medical Center ang kongresista kung saan siya sumailalim sa isang operasyon noong Setyembre 17.
Si Calalang 67, ay law professor at taxation lawyer at nanungkulan bilang kongresista nitong Enero 20, dalawang linggo matapos mabakante ang Kabayan seats nang italaga si Atty. Harry Roque bilang Presidential spokesperson.
“Rep. Calalang’s public service as a Congressman was brief but it was time and energies well-spent. He was able to author and co-author 47 House measures and helped raise public awareness about Kabayan’s flatworm and his key advocacies on juvenile justice, education, senior citizens, criminal justice, public transportation, and land use” pahayag ng kasama niyang si Rep. Ron. Salo.
Dahil dito, ang ika-apat na nominee ng Kabayan ang siyang papalit sa naiwang posisyon ng kongresista sa Kamara.
Nakalagak ang labi ng kongresista sa St. Peter Memorial Chapels sa Quezon Avenue simula sa Setyembre 26, dakong alas-5 ng hapon. (Gemma Garcia)
- Latest