Metro Manila , 38 pang lugar nasa signal no.1
MANILA, Philippines — Isinailalim na ng PAGASA sa Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 ang Metro Manila at 37 iba pang lugar habang papalapit ang bagyong Ompong sa Northern Luzon.
Sa 5 p.m. weather bulletin ng PAGASA, huling namataan si Ompong sa 575 kilometers east northeast ng Virac, Catanduanes.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 205 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 255 kph.
Inaasahang magla-landfall ang bagyo sa Cagayan-Isabela area sa Sabado ng umaga kung patuloy itong kikilos pa-west northwest sa bilis na 25 kph.
Bunsod nito ay nadagdagan pa ang mga lugar na nakataas sa storm warning signal number 1 kabilang na ang Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan group of Islands, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Isabela, Benguet, Pangasinan, La Union, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Pampanga, Bataan, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Quezon province kabilang ang Polillo Island, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Masbate, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias at Ticao island at Northern Samar.
Sa susunod na 36 oras ay maaring makaranas ng 30 hanggang 60 kph na lakas ng hangin sa nasabing mga lugar.
- Latest