TRABAHO bill pasado nasa final reading ng Kamara
MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang TRABAHO bill o ang kontrobersyal na Tax Reform For Acceleration and Inclusion o TRAIN 2.
Sa botong 187 Yes at 14 No, 3 Abstention ng mga kongresista ay napagtibay ang House Bill No. 8083 na naglalayong babaan ang corporate income tax sa 20 porsiyento mula sa dating 30 porsiyento at nagbabawal din sa pagbibigay ng tax incentives sa mga kumpanya.
Ang TRABAHO bill ang second package ng Comprehensive Tax Reform Program na naglalayon din masiguro na magbibigay ng fiscal incentives at magdudulot ng mas marami pang trabaho, investments at teknolohiya.
Ang nasabing panukala ay inihain ni House Ways and Means Chairman at Quirino Rep. Dax Cua.
Tiniyak ni Cua na ang panukala ay hindi magpapatupad ng panibagong tax sa consumer goods sa halip ay magbibigay pa ng karagdagang oportunidad at trabaho sa bansa.
Makakahikayat din umano ito sa mga pribadong sektor para mag-invest at magpalago ng negosyo sa bansa.
- Latest