Gazmin posibleng makulong sa amnesty ni Trillanes
MANILA, Philippines — May posibilidad na makulong si dating Defense Sec. Voltaire Gazmin kaugnay sa naging papel nito sa pagkakaloob ng amnestiya ng Aquino administration kay Sen. Antonio Trillanes IV.
Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Duterte nitong weekend na sabit sa kasong usurpation of authority ang dating Defense chief sa pagkakaloob ng amnesty kay Trillanes.
Paliwanag ni Roque, hindi isang simpleng kaso ang usurpation of authority kundi ito ay isang criminal liability na maaaring ikakulong ni Gazmin gayung ito aniya ang nagbigay ng otoridad kay Trillanes ng amnesty.
Binigyang-diin pa ni Roque, tanging Presidente lamang ang maaring magbigay ng amnesty at wala nang iba pa.
Aniya, kung titingnan ang amnestiya na pinirmahan para kay Trillanes, lumalabas na ito ang talagang nagbigay ng amnesty sa mambabatas bilang DND chief at hindi si Pangulong Aquino.
- Latest