^

Bansa

Cebu mayor niratrat sa opisina

Joy Cantos, Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Cebu mayor niratrat sa opisina
Mayor Blanco

Habang natutulog

MANILA, Philippines — Pinagbabaril at napatay ang alkalde ng bayan ng Ronda sa lalawigan ng Cebu matapos pasu­kin ang opisina nito sa munisipyo, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, apat na gunmen ang pumasok sa mismong tanggapan ni Ronda, Cebu Mayor Mariano Blanco III, 58, bandang 1:30 ng madaling araw habang natutulog ang biktima.

Ayon sa imbestigas­yon, lulan ng van ang apat habang dalawa pa ang nagsilbing lookout na inutusan ang mga security escort ng nasabing alkalde na magsidapa.

Kasunod nito ay sunud-sunod na putok ang umalingawngaw saka mabilis na nagsitakas ang mga armadong suspek.

Naisugod pa ang biktima sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Nabatid na simula nang tukuyin ni Pangulong Duterte ang alkalde na nasa drug list ay nagbago ito ng routine kung saan madalas sa kaniyang tanggapan na ito natutulog at hindi na gaanong nag-iikot sa ka­nilang bayan.

Noong 2010 ay tumakbo muli sa pagka-alkalde si Mayor Blanco sa bayan ng Ronda at muling nagwagi noong 2013 at 2016 sa ilalim ng Liberal Party.

Ang pagpatay kay Blanco ay nangyari pitong buwan matapos namang paslangin si Ronda Vice Mayor Jonah John Ungab ng mga armadong kalalakihan sa labas ng korte sa Cebu City noong Pebrero 2018.

Si Ungab ay legal counsel ng umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa.

Patuloy pa ang masu­sing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

MARIANO BLANCO III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with