Rali para sa animal liberation
MANILA, Philippines — Umabot sa tinatayang 300 vegan, animal rights advocates at animal lovers ang nagsagawa ng kauna-unahang Animal Rights sa Pilipinas kahapon ng hapon.
Unang nagtipun-tipon ang mga raliyista sa Andres Bonifacio Shrine, sa tabi ng Manila City Hall sa Taft Avenue, sa Ermita, Maynila alas-12:00 ng hapon at nagsimulang magmartsa patungo sa Manila Zoo sa Harrison St., sa Ermita, Maynila, bitbit ang mga tarpaulin, placards at ang nangunguna na mascot ng baka at ibon.
Nasa 6 na kilometro ang binaybay ng martsa na nagtapos sa tapat ng Ocean Park, sa Quirino Grandstand Parade Ground sa Rizal Park.
Inorganisa ang nasabing rally ng Filipino animal rights advocates bilang pakikiisa sa katulad na pagkilos ng iba’t-ibang bansa na kinabibilangan United Kingdom, United States, Canada, Australia, New Zealand, Germany, The Netherlands, Denmark, Norway, Sweden, Poland, Romania at Greece.
Naitatag ng grupong Surge noong taong 2016 ang Official Animal Rights March na nakabase sa London sa panawagang mapigilan ang pag-abuso sa mga hayop at paggamit sa mga produkto nito at paggamit sa larangan ng sports, entertainment, fashion at pharmaceutical.
Binigyang-diin sa panawagan ng local animal rights activists at organizations na maisulong ang animal liberation, animal rights bilang social justice issue sa kahalagahan ng mga hayup.
- Latest