^

Bansa

Embalsamadong ‘Galunggong’ mula China haharangin

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Embalsamadong ‘Galunggong’ mula China haharangin
Ginawa ng Malacañang ang pahayag kasunod ng alegasyon ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na ang mga galunggong galing China ay ginamitan ng formalin bilang preservative.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Malacañang na hindi papayagang makapasok sa bansa ang mga galunggong na planong angkatin mula sa China na pinangangambahang mayroong formalin.

Ginawa ng Malacañang ang pahayag kasunod ng alegasyon ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na ang mga galunggong galing China ay ginamitan ng formalin bilang preservative.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hihigpitan ng gobyerno ang pagpasok at inspeksyon ng mga galunggong sa mga port areas para hindi makapasok sa bansa.

Ayon kay Roque, pangungunahan ng Department of Health (DOH) at Department of Agriculture (DA) kasama ang iba pang mga eksperto ang pagsasagawa ng inspeksyon.

Una ng nagbabala si Health Sec. Francisco Duque III sa mga consumers na iwasan ang pagkain ng galunggong na may formalin dahil maaari itong magdulot ng kanser at makamatay.

Ang formalin umano ay carcinogenic kaya maaari itong maging sanhi ng cancer kung palagiang nakakakain nito ang isang indibidwal.

Habang ang 30 milliliters lamang ng formalin ay sapat na upang mamatay ang isang tao.

Pinaalalahanan ni Duque ang publiko na tiyaking sariwa at walang formalin ang mga pagkaing kanilang binibili, tulad ng isda, karne, gulay at prutas.

Maaari lamang tuluyang matanggal ang formalin sa pagkain kung bagong lagay lamang ito, ngunit kung matagal nang nakalagay sa pagkain ay hindi na ito maaari pang matanggal dahil umaabot na ito hanggang sa cells ng isda o karne.

PAMBANSANG LAKAS NG KILUSANG MAMAMALAKAYA NG PILIPINAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with