^

Bansa

NAIA balik normal

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
NAIA balik normal
“In terms of flight schedule, balik na po tayo sa normal... Lahat ng regular schedules, they’re already on normal operations,” pahayag ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Balik na kahapon sa normal ang operasyon ng Ninoy Aquino International Aiport (NAIA) matapos pwersahang isara ang runway nito at kanselahin ang nasa 200 flights dahil sa sumadsad na eroplano ng Xiamen Airlines nitong nakaraang Huwebes ng gabi.

“In terms of flight schedule, balik na po tayo sa normal... Lahat ng regular schedules, they’re already on normal operations,” pahayag ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal.

Gayunman, sinabi ni Monreal na pinag-aaralan na ng MIAA ang posibleng pagpataw ng parusa o sanction sa ilang airlines kabilang ang Xiamen na nagsagawa ng 61 recovery flights ng walang koordinasyon sa kanila.

Nabatid na libong pasahero kabilang ang mga OFW ang na-stranded sa NAIA at nasa 200 flights ang kinansela dahil sa aksidenteng pagsadsad sa runway ng Xiamen Air mula noong Huwebes ng gabi hanggang nitong Sabado ng hapon.

Nauna nang ipinahayag ng MIAA, na nahirapan aniya ang dalawang crane na inarkila nila na matanggal ang nakahambalang na aircraft ng Xiamen dahil  lumambot ang lupa sa NAIA runway dulot ng mga pag-ulan.

Sabi pa ni Monreal na wala aniyang international standards kung gaano katagal ang recovery operation dito.

Kung saan inihalintulad pa nito, na umabot sa 4 na araw bago natanggal ng mga awtoridad sa Bangkok at Kathmandu ang eroplanong sumadsad din sa kanilang runway.

vuukle comment

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with