‘Droga talamak sa Naga’
MANILA, Philippines — Ang pagbubunyag ay ginawa ni dating konsehal Luis Ortega, matapos na ihayag kamakailan ni Pangulong Duterte na ang Naga City ay “hotbed” ng shabu.
Sa isang pulong balitaan sa Quezon City kahapon, inakusahan ni Ortega si Butch Robredo, na bayaw ng bise presidente, at kapatid ng yumaong si dating Interior and Local Government secretary Jesse Robredo, na siya umanong responsable sa pagpapakalat ng iligal na droga sa kanilang lugar, kahit kasalukuyan itong nagtatago sa Estados Unidos.
Aniya, namamayagpag ang ipinagbabawal na gamot sa 13 sa 27 barangay sa Naga.
Binanggit din niya ang pagkawala aniya ng shabu na nakumpiska kamakailan sa isang large scale anti-illegal drugs operations na isinagawa ng PNP sa Naga kamakailan.
Alam umano ng bise presidente at ni Naga City Mayor John Bongat ang naturang iligal na aktibidad.
Nanindigan si Ortega na may sapat siyang dokumento at mga saksi upang suportahan ang kanyang mga alegasyon at ilalabas aniya ang mga ito sa tamang panahon at lugar.
- Latest