Sec. Maza nagbitiw na sa NAPC
MANILA, Philippines — Nagbitiw na kahapon si National Anti-Poverty Commission (NAPC) Sec. Liza Maza sa Duterte government.
Ipinabatid kahapon ni Sec. Maza ang kanyang isinumiteng irrevocable resignation sa Office of the President bilang NAPC chief matapos mabasura ang double murder case na binuhay laban sa kanya at 3 militanteng dating kongresista.
Kabilang sa naging dahilan ng pagbibitiw ni Maza ang binuhay na kasong double murder laban sa kanya at 3 iba pang dating militanteng kongresista, pagbabalik sa kapangyarihan ng Marcoses at Speaker GMA at pagkadiskaril ng peace talks sa rebeldeng komunista.
Ikinalungkot naman ng Malacañang ang pagbibitiw ni Maza bilang NAPC lead convenor.
“We regret her departure, we wish her goodluck. Wala namang nagpapaalis sa kanya. It’s disappointing to know that someone who shares the trust and confidence of the President resigns. We regret her departure. We wish her the best,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Related video:
- Latest