^

Bansa

DOT ads may conflict of interest, graft

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
DOT ads may conflict of interest, graft
Ayon kay Blue Ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, may ‘conflict of interest’ dahil alam ni Ben na kapatid niya ang DOT secretary noon na si Wanda Teo nang mangyari ang paglalagay ng advertisements sa kanyang programa.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — May nangyari uma­nong graft and corruption at conflict of interest sa ginawang paglalagay ng advertisement ng Department of Tourism sa programang “Kilos Pronto” ng Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) ni Ben Tulfo sa PTV-4.

Ayon kay Blue Ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, may ‘conflict of interest’ dahil alam ni Ben na kapatid niya ang DOT secretary noon na si Wanda Teo nang mangyari ang paglalagay ng advertisements sa kanyang programa.

Pero nanindigan si Teo na walang ‘conflict of interest’ dahil ang kontrata ay sa pagitan ng PTV-4 at DOT at hindi sa producer ng Kilos Pronto na nagkataong kanyang kapatid.

Sinabii rin ni Teo sa pagdinig na hindi niya alam na si Ben ay may kaugnayan sa Kilos Pronto.

“The contract from the very start is between DOT and PTV…Hindi ko alam na si Ben Tulfo is Kilos Pronto. All I know of is Ben is BITAG,” sabi ni Teo.

Matatandaan na nagbitiw sa kanyang posis­yon si Teo nitong Mayo matapos kuwestyunin ng Commission on Audit ang nasabing P60M ads ng DOT sa PTV-4.

Lumabas din na P120 milyon ang kontrata bagaman at hindi ito nailabas ng buo.

Samantala, ang kapatid nina Ben at Teo na si Erwin Tulfo na nagsilbing anchor ng programa ay umamin na tumatanggap ng P150,000 talent fee.

Naniniwala si Gordon na hindi sabit si Erwin sa mga posibleng kasuhan dahil hindi ito kasama sa mga nagsulong ng kontrata kung hindi host o anchor lamang.

Itinanggi rin nito na kilala niya si Atty. Ferdinand Topacio na naunang napaulat na naghayag sa media na isosoli ni Ben ang ibinayad sa kanya ng PTV-4.

Idinagdag din ni Gordon na kahit pa isoli ang ibina­yad sa BMUI ay may liability pa rin sina Ben at Teo.

Samantala, naniniwala naman si Sen. Antonio Trillanes IV na plunder ang dapat ikaso sa magkakapatid na Tulfo. 

Pero sabi ni Gordon, hindi maaring plunder ang isampang kaso dahil ginamit naman ang pera sa TV ads at hindi ibinulsa.

“Graft. I don’t think it will be a case for plunder. Unang-una ginamit naman ang pera for TV ads. Hindi naman binulsa. Nagnegos­yo sila. Yon ang masama, yong negosyo mukhang nabigyan ng ayuda ang negosyo ng kapatid. Hindi ako naniniwala na hindi nila alam yon,” sabi ni Gordon.

Related video:

WANDA TEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with