P1.2-B laan sa free internet
MANILA, Philippines — Dahil aabot sa 70 milyon mga Pilipino ang aktibo sa internet, nakatakdang maglaan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P1.2 bilyon para sa libreng internet at wi-fi hotspots.
Ito ang inihayag kahapon ni Makati City Rep. Luis Campos Jr. upang magkaroon ng free internet ang mga Pinoy. “
Ang halaga ay nasa taas ng P2.9 billion government spending sa taong ito para magtayo ng marami pang physical locations o access points para libreng makapagbukas ng internet ang mga Pilipino sa pamamagitan ng kanilang mobile devices,” paliwanag ni Campos.
“Target dito na makapagtayo ng hanggang 10,800 password-free hotspots sa buong bansa sa pagtatapos ng 2019,” giit pa nito.
- Latest