Total lunar eclipse, ‘di makikita ng mga Pinoy
MANILA, Philippines — Malabong makita ng mga Pinoy ang magaganap na total lunar eclipse sa darating na Sabado dakong ala-1:13 ng madaling araw at magtatapos ng 7:30 ng umaga, dahil sa inaasahang mga pag-uulan na mararanasan.
Ayon sa PAGASA, palalakasin ng bagyong Jongdari na nasa labas ng PAR ang hanging habagat na siyang magpapaulan sa bansa sa weekend.
Mas ligtas panoorin ang lunar eclipse kaysa solar eclipse dahil repleksyon lamang ng liwanag sa buwan ang makikita dito at hindi ang direktang liwanag na nakasisira ng mata kapag solar eclipse.
Kahapon, may mga pag-uulan sa Luzon at Visayas dahil sa habagat.
Sa latest monitoring ng PAGASA, ang tropical storm Jongdari ay nasa layong 1,640 kilometro ng silangan ng Northern Luzon o nasa labas ng Philippine Area of Responsibility taglay ang lakas ng hangin na 90 kilometro bawat oras at pagbugso na 115 kph.
Ang bagyong Jongdari kapag pumasok sa bansa ay tatawaging Karding.
- Latest