^

Bansa

LP, bumuo ng bagong minorya sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
LP, bumuo ng bagong minorya sa Kamara
Si Marikina Rep. Miro Quimbo ang napiling Minority leader habang si Quezon City Rep. Kit Belmonte naman ang tatayong Secretary General kasama ang may 10 pang kongresista.

MANILA, Philippines — Nag-organisa na ang Liberal Party (LP) congressmen bilang bagong minorya sa Kamara.

Si Marikina Rep. Miro Quimbo ang napiling Minority leader habang si Quezon City Rep. Kit Belmonte naman ang tatayong Secretary General kasama ang may 10 pang kongresista.

Dahil dito, nagbitiw na si Quimbo sa kanyang posisyon bilang Deputy Speaker ng Kamara.

Ayon sa kongresista, magsusumite na sila ng sulat kay Speaker Gloria Arroyo para ipaalam dito na naorganisa na nila ang minority bloc at siya na ang bagong minority leader.

Paliwanag ni Quimbo na sila ang lehitimong Minorya alinsunod sa rules at jurisprudence ng Korte Suprema.

Tinabla naman niya ang paggigiit ng grupo ni Quezon Rep. Danilo Suarez na sila pa rin ang minorya dahil bumoto at nangampanya umano ito para kay GMA.

Para naman kay Caloocan Rep. Egay Erice, kung si Suarez ang magiging minority leader ay wala rin mangyayaring reporma sa Kamara kundi simpleng agawan lamang ng posisyon.

Giit pa ni Erice, kapag si Suarez ang naging minority leader ay hindi na ito magiging Kamara kundi ikinakamada na.

Giit ni Erice, hindi sila kontra sa pagpapalit ng liderato sa Kamara dahil sa mga pag-abuso ng dating House leader, ngunit hindi rin naman daw sila makakapayag na ang magiging oposisyon ay kaalyado rin ni Arroyo.

Payo naman ni Quim­bo sa mga kongresista, kung mahal nila si GMA ay hayaang umiral ang rules para hindi na maulit pa ang nangyari sa ilalim ng pamumuno ni da­ting Speaker Pantaleon Alvarez na hindi nagkaroon ng tunay na minorya.

MIRO QUIMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with