Justice Martires liyamado sa pagka-Ombudsman
MANILA, Philippines — Nanguna si Supreme Court (SC) Justice Samuel Martires sa mga pinagpipilian maging Ombudsman kapalit ng magreretirong si Conchita Carpio-Morales sa Hulyo 26.
Nakakuha si Martires ng 11 boto habang si Ombudsman Special Prosecutor Edilberto Sandoval ay mayroong limang boto at Atty. Felito Ramirez na may apat na boto.
Pinangunahan ni acting Chief Justice at acting Judicial and Bar Council (JBC) Chairman Antonio Carpio ang botohan at en banc session.
Samantala, diniskuwalipika naman ng JBC si Labor Secretary Silvestre Bello III dahil na rin sa nakabinbing syndicated estafa case sa Office of the Ombudsman.
Gayundin si Sandiganbayan Justice Efren dela Cruz na diniskuwalipika dahil sa kaso noong siya ay law practitioner.
Si Atty. Rey Ifurung ay disqualified din matapos patawan ng contempt fine ng SC ng P10,000 habang nahaharap naman sa objection mula kay Atty. Ferdinand Topacio si Atty. Edna Batacan bunsod na rin umano ng panghihingi ng 8-million mula sa kanyang kliyente.
- Latest