Panibagong kaso vs Garin, 37 pa inihain sa DOJ
MANILA, Philippines — Sinampahan ng panibagong criminal complaints sina dating Health secretary at 37 iba pang dating opisyal ng pamahalaan na sangkot sa kontrobersyal na anti-dengue Dengvaxia vaccination program ng nakalipas na administrasyon.
Sinamahan ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta sa Department of Justice (DOJ) ang pamilya ng pag-11 biktima ng Dengvaxia vaccine na si Michael Tablete sa pagsasampa ng mga kasong reckless imprudence resulting in homicide, paglabag sa batas kontra torture at Consumer Act laban kina Garin.
Sa kanyang sworn statement, sinabi ng ina ni Tablete na si Rowena Villegas na malusog daw ang katawan ng kanyang anak, pero minsan ay nakakaranas ng asthma.
Pero lumala raw ang lung condition ng bata matapos maturukan ng tatlong beses ng Dengvaxia noong Marso 2016 hanggang Hulyo 2017.
Gabi ng Oktubre 30, 2017, nang isinugod sa Olongapo hospital si Tablete matapos makaranas ng hirap sa paghinga at panghihina.
Kinalaunan ay idineklara itong patay subalit nagawa pang ma-revive, subalit kinaumagahan ay binawian na rin ito ng buhay.
Batay sa autopsy ng PAO forensic team, ang pagkamatay ni Tablete ay maiuugnay sa Dengvaxia.
- Latest