‘Gardo’ nananatili pa rin ang lakas
MANILA, Philippines — Nananatili ang lakas ng Bagyong Gardo habang kumikilos pakanluran hilagang kanluran.
Pinalalakas ni Gardo ang habagat kaya maulan sa MIMAROPA at Western Visayas at minsang pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Zambales, Bataan, at Aurora hanggang ngayong Martes.
Partikular na apektado ng habagat ang Luzon kaya pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente nito na mag-ingat laluna yaong mga nasa mababang lugar dahil sa mga pag uulan na magdudulot ng flashfloods at landslides.
Ngayong Martes ng umaga, si Gardo ay inaasahang nasa layong 645 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Inaasahang tatagal sa bansa si Gardo hanggang Huwebes.
- Latest