‘Gardo’ napanatili ang lakas, MIMAROPA, Visayas uulanin
MANILA, Philippines – Napanatili ng bagyong Gardo ang kanyang lakas matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) kaninang umaga, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.
Huling namataan ng PAG-ASA ang pampitong bagyo ngayong taon sa 1,165 kilometro silangan ng Basco, Batanes ganap na alas-10 kaninang umaga.
Taglay ni Gardo ang lakas na 200 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 245 kph, habang gumagalaw pa hilagang-kanluran sa bilis na 30 kph.
Inaasahang palalakasin ng bagyo ang hanging habagat na magdadala ng pag-ulan sa MIMAROPA at kanlurang Visayas, habang paminsang pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, rehoyon ng Bicol, Zambales, Bataan, at Aurora hanggang bukas.
Tinataya namang aabot sa ilang parte ng kanlurang Luzon ang pag-ulan hanggang Miyerkules.
Nagbabala ang PAG-ASA sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa ang mga naninirahan sa mababa at mabubundok na lugar.
Hindi naman inulat na tatama ang bagyo sa kalupaan kaya walang itinaas na tropical cyclone warning signal ang PAG-ASA.
Inaasahang lalabas ng PAR ang bagyo sa Miyerkules, Hulyo 11.
Forecast Positions:
- 24 Hour(Tomorrow morning): 645 km East Northeast of Basco, Batanes(23.5°N, 127.3°E)
- 48 Hour(Wednesday morning):600 km North of Basco, Batanes(25.8°N, 121.1°E)
- 72 Hour(Thursday morning): 1,130 km Northwest of Basco, Batanes(28.6°N, 115.3°E)
- Latest