^

Bansa

‘Oust Digong’ ng CPP-NPA tunay – AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Oust Digong’ ng CPP-NPA tunay – AFP
“It is credible as it came from recovered documents from surrendered members of the communist NPA,” ayon kay AFP spokesman Col. Edgard Arevalo.

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tunay ang banta ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na ibagsak ang admi­nistrasyon ni Pangulong Duterte.

“It is credible as it came from recovered documents from surrendered members of the communist NPA,” ayon kay AFP spokesman Col. Edgard Arevalo.

Ang planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte ay may palugit umanong hanggang Oktubre 2018.

“They have that particular plan and they have hatched that du­ring the period na nag­sasagawa tayo ng usapang pangkapaya­paan. Ang deadline nila base dun sa information is October of 2018,” ani Arevalo.

Hinggil naman sa sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque na may sabwatan ang CPP-NPA at Simbahang Katoliko para mapatalsik sa puwesto si Pangulong Duterte, sinabi ni Arevalo na wala silang impormasyon ukol dito.

Hindi rin nito masagot kung kasabwat ang oposisyon o mga kritiko ng administrasyon o kung may ibang grupo ring kasama sa plano.

Kaugnay nito, sinabi ni Arevalo na hindi nila ipinagwawalang bahala ang impormasyon at umalerto na ang tropa ng militar upang huwag magtagumpay ang anu­mang pagbabantang pa­bagsakin ang gobyerno.

“We cannot take chances ano po, if it’s a threat not only to the liberties of our people but also the life of the President, we in the defense department has to take that se­riously,” ani Arevalo.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DUTERTE

PHILIPPINES-NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with