^

Bansa

Pagpapatigil sa peace talks inindorso ng DND at AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pagpapatigil sa peace talks inindorso ng DND at AFP
Ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NDF-NPA ay dapat muling nagpatuloy noong Hunyo 28 pero nagdesisyon ang Commander in Chief na ipagpaliban muna ito ng tatlong buwan.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dahil sa kawalan ng sinseridad sa walang tigil na paghahasik ng tero­rismo, inirekomenda ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana at ng liderato ng Armed Forces of the Philippines kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil muli ng usapang pakikipagkapa­yapaan ng pamahalaan sa Communist Party of the Philippines – National Democratic Front -New People’s Army.

Ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NDF-NPA ay dapat muling nagpatuloy noong Hunyo 28 pero nagdesisyon ang Commander in Chief na ipagpaliban muna ito ng tatlong buwan.

Samantalang nagpa­tutsada naman si Jose Maria Sison, NDF Chief Political Consultant, na dahilan sinira ng gobyerno na magpatuloy muli ang peace talks ay isagawa na lamang ito sa kaniyang successor.

Binanggit ni Loren­zana na, habang sinusunod ng pamahalaan ang unilateral ceasefire noong 2016 hanggang Enero 2017, isinagawa ng CPP-NDF ang isang malaking kongreso nito noong Nobyembre 2016 at Central Plenum noong Disyembre 2016 na rito ay plinano ng mga ito na patalsikin si Duterte sa puwesto.

Bukod dito, patuloy ang CPP-NPA sa pagpapalakas ng puwersa sa pamamagitan ng pa­ngangalap ng mga ba­gong kasapi.

Ayon naman kay Pre­sidential Spokesman Harry Roque, nahihibang si Sison sa pahayag nitong pababagsakin si Duterte.

Sinabi ni Roque hindi magagawa ni Sison ang banta nito dahil wala ito sa bansa at nagtatago sa The Netherlands. (Rudy Andal)

DEFENSE SECRETARY DELFIN LORENZANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with