Palasyo tiniyak ang hustisya sa pagkamatay ni Halili
MANILA, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ngayong Lunes na maabot ang hustisya sa pagkamatay ni Tanauan City Mayor Antonio Halili na pinatay ngayong Lunes ng umaga.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakikiramay ang Palasyo sa pamilya ni Halili at magsasagwa ng mabilisang imbestiagsyon.
“Nangangako po ang Palasyo na bibigyan ng katarungan ang kanyang pagkamatay. Magkakaroon po ng mabilisang imbestigasyon at paglilitis,” pahayag niya sa isang pagtutubilin.
BASAHIN: Tanauan City Mayor itinumba sa gitna ng flag-raising ceremony
Sa isang panayam sa DzRH kaninang umaga, sinabi ni Roque na ikinalungkot at ikinabigla ni Pangulong Rodrigo Duterte ang insidente.
Kinilala ng pangulo si Halili bilang isang kaalyado sa kanyang kampanya kontra iligal na droga at bilang alkalde ng isang progresibong lungsod.
Patay si Halili matapos itong barilin sa dibdib ng hindi pa nakikilalang suspek sa isang flag-raising ceremony sa Tanauan City.
Ang namayapang alkalde ay kilala sa kanyang programang “Walk of Shame” kung saan pinaparada niya ang mga nahuling drug pushers nang nakasuot at nakahawak ng mga materyal na kumikilala sa kanila bilang manunulak ng droga.
- Latest